Infinito: Salinlahi

Chapter 88



"Manghihina kayo at mamimilipit sa sakit!" Sigaw ng isang tinig mula sa kawalan. Napalingon sila nang sabay-sabay magsitumbahan ang mga ordinaryong aswang. Umaatungal pa ang mga ito at namimilipit sa sakit.

"Manghihina kayo at mamimilipit sa sakit, susuka kayo ng d*go at kakain kayo ng lupa!" Umalingawngaw sa buong kagubatan ang malamyos na tinig at gulat na napatingin si Esmeralda sa mga aswang nang sumuka ang mga ito ng d*go habang dumadakot ng lupa at isinusubo ito.

"Ano'ng nangyayari? May tulong bang dumating?" Gulat na tanong ni Hagnaya na noo'y nagpapalipat-lipat ang tinginnsa paligid. Napatda naman ang tingin ni Esmeralda sa gilid na parte ng kubo kung saan lumitaw ang isang maliwanag na lagusan. Isang silweta ang naglalakad papalabas roon. Ilang sandali pa , ang isa ay naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa makarinig sila ng sigaw at patakbong lumabas roon sina Mateo, Loisa at Paeng. Bitbit ang kanilang mga sandata, buong-loob nilang sinalakay ang mga aswang na animo'y nasa toong gyera sila.

"Sina Kuya Mateo!" masayang sigaw ni Dodong. Tila nanumbalik naman ang lakas ng bata at muling nakabangon kahit nahihirapan.

Mula sa lagusan, muli nilang narinig ang tinig, at lumabas roon si Harani, nakatayo habang hawak ang isang tungkod.

"Kayong mga aswang, gagapanga kayo sa lupa at luluhod sa akin. Kakain kayo ng lupa hanggang sa kayo ay mamat*y!" Sigaw ni Harani. Ang buhok niya ay isinasayaw ng hangin, nagmistula siyang isang diwata na nagpapataw ng kaniyang sumpa. Ang mga aswang na nakarinig ay tila mga alipin nitong sumunod. Lahat ng mahihina ay napaluhod. GUmapang ang mga ito at sunod-sunod na nagsubo ng lupa. MAbilis ang kani-kanilang pagsubo, animo'y mga gutom. Ilang sandali pa ay bumula na ang kanilang mga bibig, tumirik ang kanilang mga mata, at nalagutan ng hininga nang nakanganga at nakatingala sa langit.

Kahindik-hindik ang mga nasaksihan ni Esmeralda. Napatulala siya sa kaniyang tiyahin. Ngayon niya mas naunawaan kung bakit hindi nagsasalita si Harani. Dahil ang bawat lumabas sa kaniyang bibig ay tila isang sumpa na maghahatid sa'yo sa kamatay*n mo. Dahil sa pagdating ng grupo nila Mateo ay nagkaroon ng pagkakataon para magpahinga sina Dodong at Esmeralda. Nang makabawi ay agad na hinanap ng mga mata ni Esmeralda ang kaniyang kapatid. Nakita niya ito sa harap ng kubo na nakikipaglaban na sa haring hanagob.

Napasigaw si Esmeralda, “Liyab!” Ngunit hindi siya narinig ng kapatid. Masyadong malakas ang ugong ng hangin, at ang sigawan ng mga taong naglalaban at ang atungal ng mga aswang na nasasaktan. Buong tapang na humarap si Liyab sa Haring Hanagob, gamit ang espada nito ay sinalubong niya ang mga kuko ng hari. Nagtapat ang kanilang mga mukha at napangisi ito.

"Ano na Haring Mahomanay, nais mo bang malaman kung paano ko pinaluhod ang iyong ama sa lupa, gamit ang buhay ng iyong nasirang ina?" panunuya ng haring hanagob.

"Natalo mo sila dahil madaya ka," mariing tugon ni Liyab habang pilit itinataas ang espada, pinipigilan ang unti-unting pagbagsak ng mga kuko nito sa kaniyang balikat. "Hindi tagumpay ang tawag sa pandaraya, Hanagob."

If you find any errors ( Ads popup, ads redirect, broken links, non-standard content, etc.. ), Please let us know < report chapter > so we can fix it as soon as possible.

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.